DOH, nilinaw na hindi maipapasasa sa pamamagitan ng blood transfusion ang COVID-19

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi maaaring maipasa ang COVID-19 sa pamamagitan ng blood transfusion o pagsasalin ng dugo.

Ito ay makaraang mag-positibo muli sa virus si Senador Sonny Angara, na nauna nang nakarekober mula sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecreatary Maria Rosario Vergeire, magdo-donate muli sana ng blood plasma si angara sa ikalawang pagkakataon pero nang muli siyang kunan ng swab test, ditong muli siyang nag-positibo sa COVID-19.


Aniya, ang main transmission ng COVID-19 ay sa ating respiratory system at naipapasa ang virus sa isang tao sa pamamagitan ng droplets na nangyayari kapag in-close contact.

Nauna nang sinabi ng DOH na maaaring nasa katawan pa rin ng mga gumaling na pasyente ang virus, kagaya ng Angara, pero hindi ito nangangahulugang nakakahawa pa rin ito.

Sinabi din ni Vergeire, na wala pang rekomendasyon ang DOH kung dapat nang gawing General Community Quarantine (GCQ) ang mga lugar sa National Capital Region (NCR) at iba pang high-risk areas pagkatapos ng Mayo 15.

Ang magiging basehan kasi aniya rito ang COVID-19 case doubling time at ang critical care utilization rate ng ating mga hospital.

Facebook Comments