DOH, nilinaw na hindi na kailangan ng purchase booklet para sa senior medicine discount

Inanunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa na tatanggalin na ang purchase booklet para sa mga senior citizen na gagamit ng kanilang discount sa pagbili ng mga gamot.

Kasunod ito ng bagong administrative order (AO) ng Department of Health (DOH) alinsunod sa Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Kung dati ay kinakailangan ng senior citizen na magpakita ng purchase booklet sa mga botika, kasama ng valid ID at reseta ng doktor para makakuha ng diskwento, ngayon ay hindi na kailangan ng booklet.


Ayon sa kalihim, sa ganitong paraan ay magiging madali na sa senior citizens ang pag-avail ng discount sa mga gamot.

Facebook Comments