Muling nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa aprubado ang pagbabakuna sa COVID-19 booster shots.
Ito ay matapos i-anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbigay na ng go signal ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) sa pagbibigay ng ikatlong bakuna ng COVID-19 vaccines sa mga health workers.
Ayon sa DOH, hindi pa pinapayagan ng NITAG ang pagbabakuna ng COVID-19 booster shots sa bansa.
Bagama’t anila inirekomenda pa lamang ng vaccine experts panel (VEP) ang pagtuturok ng booster shots, kailangan pa itong aprubahan ng All Expert Group (AEG) at ng DOH.
Ang AEG ang grupong nag-aaral sa kaligtasan at efficacy ng bakuna kontra COVID-19 at umaalalay rin sa pagpapatupad ng immunization program sa bansa.
Facebook Comments