DOH, nilinaw na hindi pa naaprubahan ang omnibus guidelines para sa COVID-19 testing

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa naaaprubahan ang Omnibus Guidelines para sa COVID-19 testing.

Ito ang paglilinaw ng kagawaran matapos maglabas ng pahayag sa social media ang TruLaboratories Corporation na inaprubahan na ng DOH ang paggamit ng antigen kits at kasama na ito sa Omnibus Guidelines.

Sa statement ng DOH, iginiit nila na ang Omnibus Guidelines ay hindi pa naisasapinal o naaaprubahan.


Dagdag pa ng DOH, hindi pa ito nalalagdaan at wala pang iniisyu para sa implementasyon nito.

Bagamat mayroong antigen kits na aprubado para sa commercial use ng Food and Drug Administration (FDA), hindi ito ineendorso ng DOH.

Nagpaalala ang DOH sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyon at beripikahin sa opisyal na website at social media pages ng ahensya.

Facebook Comments