DOH, nilinaw na hindi Pinoy ang pasahero ng PAL na nagpositibo sa monkeypox pagdating sa Hong Kong

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na dayuhan at hindi Pilipino ang pasahero ng Philippine Airlines (PAL) na nagpositibo sa monkeypox virus pagdating sa Hong Kong.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang naturang dayuhang pasahero ay maraming bansa na pinuntahan bago nagpunta ng Pilipinas at Hong Kong.

Kinumpirma ni Vergeire na ang nasabing foreigner ay may travel history sa Canada at US bago nagpunta ng Pilipinas.


Nilinaw rin ni Vergeire na natukoy na nila ang ilang close contacts ng nasabing pasahero at wala naman sa mga ito ang nakakaranas ng sintomas ng monkeypox.

Una na ring kinumpirma ng PAL na nakipag-ugnayan na sila sa Hong Kong health officials para sa contact tracing ng mga pasaherong nakatabi sa upuan ng naturang foreigner.

Facebook Comments