DOH, nilinaw na hindi sexually transmitted disease ang monkeypox

Ayon kay Department of Health (DOH) OIC Usec. Maria Rosario Vergeire, napagkakamalang Sexually Transmitted Diseases (STDs) ang monkeypox dahil sa nakikitang sugat o lesion maging sa maselang bahagi ng katawan

Bukod pa ito sa paraan ng pagsasalin ng virus sa pamamagitan ng body fluids na makukuha mula sa pakikipaghalikan o pakikipagtalik sa pasyenteng infected ng nasabing virus.

Ayon pa kay Vergeire, ang monkeypox ay maaari ring makuha mula sa close contacts o pakikihalubilo sa infected nito at maisasalin sa pamamagitan ng respiratory droplets o laway, sa sugat at maging sa kontaminadong mga bagay tulad ng damit at maging mga lamesa at iba pa


Iginiit ng opisyal na maiiwasan ang pagkakaroon ng monkeypox sa pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa may sintomas nito, regular na paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng maayos na daloy ng hangin sa mga silid.

Facebook Comments