DOH, nilinaw na naglabas sila ng malinaw na guidelines para sa home quarantine

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na naglabas sila ng malinaw na guidelines sa home quarantine sa mga Local Government Units at iba pang concerned agencies mula noong Abril.

Ito ang sagot ng DOH matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat naglabas ng malinaw na home quarantine guidelines ang ahensya dahil patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Ayon kay Health Undesecretary Maria Rosario Vergeire, nakasaad sa kanilang guidelines ang mga kondisyong kailangang mayroon ang mga pasyenteng may COVID-19, kabilang ang pagkakaroon ng sariling banyo, sariling kwarto at walang kasama sa bahay na nasa vulnerable sector.


Iginiit din ni Vergeire na nagkaroon din ito ng joint administrative order kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Marami ang dahilan aniya kung bakit tumataas ang infection, kabilang na ang pagpapagaan ng community restrictions at pagtaas ng testing capacity.

Facebook Comments