DOH, nilinaw na nasa 8,000 hanggang 9,000 ang average COVID-19 Tests kada araw

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nasa 8,000 hanggang 9,000 ang average na naisasagawang Coronavirus Disease (COVID-19) tests kada araw.

Sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na mas mababa ito sa inianunsyong 32,000 daily COVID-19 test ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa mga pagkasira ng ilang laboratoryo sa paghagupit ng bagyong Ambo at sa kakulangan ng suplay.

Dagdag pa ni Vergeire na ang mga suplay ng Personal Protective Equipment (PPE) para sa accredited laboratories ay hindi rin madaling makuha dahil sa global shortage na sanhi ng pandemya.


Nagpaliwanag naman si Vergeire ukol sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang ilang lugar sa bansa dahil sa hindi pagsunod ng ilan sa health protocols

Ayon kay Vergeire, maaga pa para pag-usapan ito dahil ikalawang araw pa lang ng General Community Quarantine (GCQ) at kailangan pang tingnan kung tumataas ang kaso kada araw.

Facebook Comments