DOH, nilinaw na pinapayagan pa rin ang home quarantine

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na pinapayagan pa rin ang home quarantine sa mga pasyenteng nagpapakita ng mild symptoms ng COVID-19 basta nasusunod ang mahigpit na guidelines na itinakda ng Pamahalaan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang mayroong hiwalay na kwarto at banyo ang pasyenteng nais mag-quarantine sa kanilang bahay.

Mahalaga ring matutukan ang 14-day quarantine ng pasyente.


Kung hindi masusunod ang mga ganitong protocol ay kailangang ilipat ang pasyente sa local temporary treatment at monitoring facility.

Sa ngayon, pinag-aaralan ng DOH kung ang hindi maayos na pagpapatupad ng home quarantine ay isa sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments