Nilinaw ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na rekomendasyon pa lang at hindi pa pinal ang pagpapatupad ng travel ban sa mga bansang nakapagtala ng bagong COVID-19 variant.
Ayon kay Duque, inasahan na niyang ilalabas kaninang umaga ang guidelines hinggil sa travel ban pero hindi nito nangyari.
Aniya, makabubuti kung hintayin na lang ang anunsyo ng Office of the President kaugnay nito.
Una nang sinabi ni Duque na ipapatupad ang travel ban sa 24 na bansa mula December 30, 2020 hanggang January 15, 2021 para mapigilan ang pagpasok sa Pilipinas ng bagong COVID-19 variant.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bumubuo na ang gobyerno ng guidelines para sa pagpapatupad ng travel ban at tanging siya lang ang maaaring mag-anunsyo nito sa publiko.
“My office is the only one authorized to issue any information relating to COVID so antayin niyo pong mag-issue tayo ng anunsyo kung epektibo na ang travel ban sa iba pang mga bansa sa may new variants. May dahilan po kung bakit nais ni Presidente na sentral po sa opisina natin ang pag-release ng impormasyon para maiwasan ang kalituhan,”.