DOH, nilinaw na wala nang problema ngayon sa syringe supply ang bansa

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang problema ang Pilipinas sa supply ng hiringgilya para sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination program nito.

Pahayag ito ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire kasunod ng sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., na na-miss ng bansa ang posibilidad na maka-secure ng kasunduan para sa 50 milyong mga hiringgilya.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Vergeire na mayroong alternatibong hiringgilya ang ginagamit sa bansa para sa Pfizer vaccines, lalo’t mayroong global shortage sa supply ng .3 ml na hiringgilya para partikular na bakunang ito.


Nakapagbigay na aniya ng pondo ang pamahalaan para sa iba’t ibang rehiyon sa bansa upang makabili nito.

Bukod dito, natanggap na rin aniya ng pamahalaan ang nasa 3.6 million na halaga ng .3 ml na hiringgilya mula sa UNICEF at naipakalat na rin ito sa buong bansa.

Habang sa unang bahagi ng 2022, mayroong pang 40 milyong hiringgilya ang inaasahang darating sa bansa.

Facebook Comments