Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang “absolute protection” laban sa COVID-19 ang 23 na lungsod na una nilang idineklarang naabot na ang herd immunity.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, posibleng mapasukan pa rin sila ng mga kaso lalo na ng mga magmumula sa ibang lugar na mababa pa ang vaccination coverage.
Dapat din aniya na maabot muna ng bansa ang target na bilang ng populasyon na mababakunahan para masabing mayroon na tayong herd immunity.
Una nang sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nakamit na ng 23 highly urbanized cities sa bansa kabilang ang lahat ng lungsod sa Metro Manila ang herd immunity laban sa COVID-19.
Facebook Comments