DOH, nilinaw na wala pang Lambda COVID-19 variant sa Pilipinas

40

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang nade-detect sa Pilipinas na Lambda Coronavirus variant na naitala sa Peru.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magtiwala lamang sa mga impormasyong galing sa kagawaran at sa Philippine Genome Center (PGC) tungkol sa mga Coronavirus variant case sa bansa.


Aniya, wala pang data na makakapagpakita na ang Lambda variant ay mas nakakahawa.

“Ang PGC lang po ang nakakapag-test ng whole genome sequencing dito sa ating bansa so pagkakatiwalaan dapat ang impormasyon na galing sa PGC at saka sa DOH dahil kami po ang may hawak ng datos na ito,” ani Vergeire.

Una nang inihayag ng World Health Organization (WHO) na ang Lambda ay na-classified bilang “variant of interest”.

Facebook Comments