DOH, nilinaw na wala pang nasawi sa bansa dahil sa Mpox

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang namamatay sa bansa dahil sa Mpox na dating tinatawag na Monkeypox.

Ito ay kasunod ng napaulat na iniimbestigahan ng DOH-7 ang pasyente sa Negros Oriental na umanoy nasawi dahil sa naturang sakit.

Ayon sa DOH, sa pinakahuling datos nila mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ay negatibo ang lahat ng sumailalim sa testing.


Sinabi pa ng kagawaran na halos magkahawig ang mga sintomas ng Chickenpox (bulutong-tubig), Shingles, Herpes, at Mpox.

Nakumpirma ang unang kaso ng Mpox sa bansa noong July 2022.

Facebook Comments