Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang bakunang inaaprubahan ang gobyerno kontra COVID-19.
Ito ay matapos mabigyan na umano ng bakuna laban sa nasabing sakit sina Senator Ping Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan muna ng clerance mula sa Vaccine Experts Panel (EVP), Ethics Board at Food and Drug Administration (FDA) bago aprubahan ang paggamit sa bakuna.
Aniya, kailangan munang siguruhing ligtas at epektibo ang bakuna sa publiko.
Kasabay nito, pinag-iingat din ni Vergeire ang publiko sa posibleng pagkalat ng mga hindi rehistradong bakuna kontra COVID-19.
Mag-antabay lamang sa mga impormasyong ibibigay ng gobyerno kung mayroon nang rehistradong bakuna at mga clinical trials.
Nagbabala rin ang doh sa mga nagbebenta ng hindi rehistradong bakuna at sinabing may batas at parusa para dito.