Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nananatiling apat ang strain ng Dengue sa bansa.
Ito ang pahayag ng DOH kasunod ng mga ulat na may lumitaw na bagong strain ng Dengue sa bansa.
Ayon sa DOH, walang mutant strains ng Dengue Virus ang namo-monitor sa bansa.
Ang Dengue strains lamang sa bansa ay: Denv-1, Denv-2, Denv-3, at Denv-4.
Giit ng DOH, walang sinuman mula sa DOH ang nagbanggit na may bagong strain ng Dengue Virus.
Matatandaang nagdeklara na ng National Dengue Epidemic ang DOH sa basa dahil sa paglobo ng kaso nito.
Facebook Comments