Manila, Philippines – Walang infulenza outbreak sa Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ng Department of Health (DOH) sa gitna ng mga lumalabas na ulat na kumakalat sa social media na may flu outbreak na sa bansa.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – ang kanilang epidemiology bureau ay walang narerekord na laganap na ang mga sakit gaya ng influenza A, influenza B o iba pang flu.
Dagdag pa ng kalihim – ang kasong naitala nitong 2018 ay nasa 126,000, 17% na mababa kumapara noong 2017 na nasa 153,000.
Nilinaw din ng DOH na hindi nakukuha ang Human Immunodeficiency Virus o HIV sa pamamagitan ng pagkain ng isda na nakuha sa mga waste water.
Apela ng DOJ sa publiko na ugaliing beripikahin ang mga ulat o impormasyong nababasa sa social media.
Facebook Comments