Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang silang inirerekomendang klase o uri ng face shield na maaaring gamitin bilang proteksyon sa COVID-19.
Kasunod ito ng kumakalat sa social media na ang Heng De face shield ay hindi inaprubahan ng DOH at sa halip ay ibang brand para gamiting proteksyon laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat gawa sa matibay na material ang face shield, madaling malinis at ma-disinfect, ito man ay disposable o reusable.
Sa inilabas na Department Memorandum 2020-0345, nakasaad na ang technical specification ay dapat malinaw na plastik o acetate material na may good visibility, fog resistant, adjustable band para maayos na maikakabit sa ulo.
Facebook Comments