DOH, nilinaw na walang matibay na basehan na madaling hawaan ng COVID-19 ang mga night shift workers

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang matibay na batayan na mas madaling kapitan o hawaan ng COVID-19 ang mga manggagawang nagtatrabaho sa gabi o night shift workers.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang sleep deprivation o kakapusan sa pagtulog ay maaaring makaapekto sa immune system.

Aniya ang COVID-19 infection ay resulta ng mahinang immune system at pagkakaroon ng exposure.


Dagdag pa ni Vergeire, ang mga taong kakaunti lamang ang tulog at expose sa stressful environments ay mas mataas ang tiyansang magkasakit.

Payo ni Vergeire sa mga manggagawa na manatiling pangalagaan ang kalusugan.

Paalala pa niya sa mga kumpanya na ipatupad ang safety guidelines para sa kanilang mga empleyado tulad ng pagpatutupad ng physical distancing, pagsusuot ng Personal Protective Equipment at palagiang paghuhugas ng kamay.

Facebook Comments