DOH, nilinaw na walang meningo outbreak sa bansa

Manila, Philippines – Pinabulaanan naman ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na balitang nagkaroon na ng meningococcemia outbreak sa bansa.

Paglilinaw ni DOH Undersecretary Rolando Domingo – bagaman at may dalawang kumpirmadong kaso ngayong taon, hindi dapat ito ikabahala ng publiko.

Aniya, ang bacteria nito ay normal na nakukuha sa paligid saanmang lugar.


Pero kaya itong labanan ng katawan kung malalakas ang resistensya.

Kaya payo ng DOH, ugaliing kumain ng masustansyang pagkain at maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments