DOH, nilinaw na walang nangyayaring ‘third wave’ ng COVID-19 infection sa bansa

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa nakararanas ng ikatlong wave ng COVID-19 ang Pilipinas.

Ito’y sa kabila ng pagdami ng nagpopositibo sa COVID-19 sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, wala pang sapat na basehan para sabihing may bagong wave ng COVID-19 sa bansa.


Aniya, kailangan pa nilang makita ang kabuuang epekto ng virus sa nasabing mga rehiyon bago masabing nagkakaroon na ng COVID-19 cases surge.

Sabi pa ni Vergeire, tumaas din ang testing capacity sa Mindanao at Visayas dahilan para tumaas din ang kaso ng COVID-19 sa dalawang rehiyon.

Facebook Comments