DOH officials mula sa iba’t-ibang rehiyon, magpupulong kaugnay sa sitwasyon ng dengue sa bansa

Makikipagpulong bukas ang Department of Health (DOH) sa mga regional directors nito para alamin ang sitwasyon ng dengue sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, darating ang mga regional directors sa DOH Head Office sa Manila para magbigay ng update.

Aalamin din aniya kung saang lugar pa ang kanilang dadagdagan ng prepositioned supplies.


Base sa huling datos ng DOH-Epidemiology Bureau, aabot na sa higit 130,000 ang kaso ng dengue at 561 ang namatay.

Pinakamataas na kaso ay naitala sa Western Visayas.

Matatandaang idineklara ng ahensya ang national dengue alert dahil sa tumataas na kaso ng sakit sa bansa.

Facebook Comments