DOH officials, pagpapaliwanagin ng senado sa pagbili ng sobra sobrang mga gamot

Pinapa-imbestigahan ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara ang pagbili ng sobra sobrang mga gamot ng Department Of Health o DOH.

 

Tinukoy ni Angara ang report ng Commission On Audit o COA na mahigit P18 bilyung piso na halaga ng medisina ang naka stock lang sa warehouse ng DOH na ang karamihan ay malapit ng mag expire.

 

Nakita din ng COA ang mahigit P30 milyung pisong halaga ng gamot na ipinamahagi sa ibat-ibang  health center at ospital ang expired na.


 

Dismayado si Angara sa pagsasayang ng pera ng DOJ gayong madaming pilipino ang nangangailangan ng gamot.

 

Ayon kay Angara, ang mga haharap na DOH officials ay dapat may nakahandang paliwanag at plano kung paano mareresolba ang overstocking ng mga gamot.

Facebook Comments