Maglalabas ang Department of Health ng Administrative Order (AO) para matiyak ang “transparency” sa mga health service at presyuhan ng mga COVID-19 test sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ilalim ng AO, oobligahin ang mga ospital at mga pasilidad na i-post o ilabas ang halaga ng mga serbisyo, kasama na ang COVID-19 test.
Ang presyuhan ng mga COVID-19 test ay maaaring ilabas ng mga ospital sa pamamagitan ng tarpulins, menu ng serbisyo o sa kanilang website.
Layon nitong matulungan ang publiko na malaman ang maaari nilang gastos sa COVID-19 test.
Facebook Comments