Pabor na rin ang Department of Health (DOH) sa pagpapatupad ng mandatory na pagbabakuna kontra COVID-19.
Layon nito na matamo ang target na population protection laban sa COVID-19.
Gayunman, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan ng batas na mag-oobliga sa lahat ng sektor na magpabakuna.
Sa ngayon aniya, nananatiling voluntary ang pagbabakuna dahil Emergency Use Authorization (EUA) pa lamang ang naibibigay para sa paggamit ng mga bakuna.
Facebook Comments