Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang biglaang pagsipa ng kaso ng COVID-19 ay resulta ng pagtataas ng kapasidad sa pagva-validate ng mga kaso.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, asahan na ng publiko ang patuloy na upward trend ng mga kaso sa mga susunod na araw.
Sinabi ni Vergeire, nakapag-hire sila ng karagdagang encoders kaya tumataas ang bilang ng mga nava-validate na kaso.
Dagdag pa niya na 33 mula sa 43 licensed laboratories sa bansa ay wala nang backlog.
Ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 mula May 8 hanggang May 25, 2020 ay naglalaro sa pagitan ng 120 hanggang 292.
Umakyat ito ng higit 300 cases noong May 26 at nasundan ng 380 cases noong May 27.
Nitong May 28, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nadagdag na kaso na umabot sa 539 cases.