Palalawakin ng Department of Health (DOH) ang testing coverage nito para sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bumubuti na kasi ang testing capacity.
Pinirmahan na aniya ni Health Secretary Francisco Duque III ang bagong guidelines hinggil dito.
Kabilang sa bagong test guidelines ay ang mga vulnerable individuals na nakatira sa mga lugar na mayroong clustering ng mga kaso o community transmission na nangangailangan ng ‘localized intervention.’
Ang mga frontliner sa tourist zones at mga manggagawa sa manufacturing companies at public service providers ay kasama sa bagong test guidelines.
Sakop din ng test guidelines ang “economy workers” tulad ng drivers, conductors, pilots, flight attendants, waiters, restaurant managers, teachers, bank tellers, store clerks, cashiers, hairdressers, security guards, messengers at iba pa.