DOH, patuloy ang ginagawang pag-agapay sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi

Manila, Philippines – Patuloy ang ginagawang pag-agapay ng Department of Health sa mga indibidwal na nagsilikas dahil parin sa naganap na bakbakan sa Marawi City.

Base sa datos ng DOH, nasa higit 37 libong indibidwal na ang kanilang nabigyan ng nutrition assessment, counselling tungkol sa breastfeeding at maging sa mga may problema sa malnutrisyon.

Nasa higit 27 libo naman ang nabigyan nila ng psychological counselling, habang higit 7 libo ang nabakunahan at nabigyan ng pampurga.


Patuloy rin anila ang ginagawang monitoring ng ahensya sa tubig na iniinom ng mga nagsilikas sa mga evacuation centers.

Sa kasalukuyan, nasa 533 health personnels na mula sa DOH ang naka deploy sa lugar, bukod pa dito ang tulong na nanggagaling sa mga Non-Government Organizations at mga volunteers.

Facebook Comments