DOH, patuloy ang hiring ng mga medical personnel

Patuloy ang hiring ng Department of Health ng mga medical personnel para sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 Pandemic.

March 25, 2020, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11469, o mas kilala bilang “Bayanihan to Heal as One Act”, na nagde-deklara ng national health emergency sa Pilipinas kung saan nakasaad sa Section 4 ng batas na pinapayagan ang pagkuha pansamantala ng Human Resources for Health (HRH) tulad ng medical at allied medical staff para mapunan ang health workforce na tutulong sa mga itinayong medical facilities sa bansa.

Samantala sa oras naman na maging batas ang niratipikahan ng Senado na “Bayanihan to Recover as One Act” o Bayanihan 2 na layong tugunan ang epekto ng pandemya, ang mga health personnel ay mabibigyan ng karagdagang kompensasyon at benepisyo tulad ng P15,000 na para sa mga matatamaan ng mild o moderate COVID-19 case, life insurance coverage, at mandatory COVID-19 testing kada 15 araw.


Para sa iba pang impormasyon sa mga job vacancies at hiring process, maaaring bumisita sa bit.ly/hrhhiringFAQs o sa hcwhiring@doh.gov.ph o tumawag sa 7266-7979.

Facebook Comments