DOH, patuloy ang isinasagawang surveillance kaugnay sa Japanese encephalitis

Manila, Philippines – Patuloy ang ginagawang pangangalap ng datos ng Department of Health (DOH) kaugnay sa mosquito borne disease na Japanese encephalitis, kung saan partikular nilang tinututukan ang disease pattern nito sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, kagaya ng iba pang mosquito borne disease tulad ng dengue, karaniwang sa tag-ulan tumataas ang tyansa ng pagkakaroon nito dahil sa ganitong panahon lumalaki ang populasyon ng mga lamok.

Ayon kay Ubial, halos magkalebel lamang ang dengue at Japanese encephalitis kung case fatality lamang ang pag-uusapan.


Tulad ng dengue, karaniwang sintomas nito ay lagnat, sakit ng ulo at pagsusuka.

At madalas ayon sa kalihim ay mild cases lamang ito at asymptomatic, o walang ipinapakitang sintomas.
Bagamat karamihan sa mga nagkakaroon ng JE ay nagsu-survive, mayroong ilang mga kaso na nagiging malala ito kung saan maaari itong magdulot ng pamamaga sa utak na maaaring mauuwi sa kamatayan.

Ayon sa kalihim, kailangan magpatingin agad ang isang pasyente sa oras na magkaroon nito para malapatan ng supportive treatment, o yung gamutan na paritukular na idinisenyo para sa sakit na Japanese encephalitis.

Facebook Comments