DOH, patuloy ang pagbanta sa mga lubhang nakakahawang Omicron subvariants

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na patuloy ang kanilang pag-monitor sa mga Omicron subvariants ng COVID-19 na lubhang nakakahawa.

Sinabi ni DOH-Epidemiology Bureau Director IV Dr. Alethea De Guzman, partikular nilang binabantayan ang Omicron subvariants na BQ.1.1 at BA.2.75 na parehong immune evasive o may kakayahang iwasan ang proteksyong binibigay ng bakuna.

Ayon kay De Guzman, ito ang mga pangunahing dahilan ng pagkalat ng sakit sa bansa at sa buong mundo.


Kahapon, nakapagtala ang DOH ng 696 na bagong kaso ng COVID-19 habang umakyat sa 12,491 ang aktibong kaso matapos maitala lamang ang 75 na bagong gumaling sa sakit.

Facebook Comments