DOH, patuloy na pinaalalahanan ang publiko sa banta ng COVID-19

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na kailangan pa ring ipagpatuloy ng publiko ang pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID-19.

Ito ay kahit maganda ang naging epekto ng pagpapatupad ng mahigpit na quarantine restrictions sa NCR Plus areas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maraming tinimbang ang mga opisyal bago marating ang desisyon sa mga susunod na hakbang.


Kasama na aniya dito ang mga naitalang kaso ng sakit sa nakalipas na linggo at ang pagtugon ng iba-ibang Local Government Unit.

Samantala, patuloy pa rin ang pangangailangan ng DOH ng dagdag na health workers.

Sa higit 10,500 na health workers na kailangan para tugunan ang pangangailangan ng mga ospital at COVID-19 facility, nasa 8,570 pa lang ang naha-hire.

Facebook Comments