Magiging malaria free na ang Pilipinas sa susunod na dalawa o tatlong taon.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa press briefing sa Malakanyang.
Sa ngayon aniya, tanging ang Palawan na lamang ang may kaso ng malaria.
Pero ayon kay Herbosa, maliit na kaso na lamang ng malaria ang naitatala sa Palawan.
Kailangan kasi aniya na zero case ang Pilipinas ng ilang taon bago makapagdeklara ng malaria free.
Batay sa talaan ng Department of Health (DOH), nasa 3,157 na kaso ng malaria na lamang ang naitala noong 2022.
Facebook Comments