Naabot na ng Pilipinas ang target nito na 8,000 tests para sa COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, ang mga accredited na laboratoryo sa bansa ay nakapagsagawa ng nasa 8,637 test nitong linggo.
Aniya, hindi pa kasama rito ang mga datos mula sa tatlong laboratoryong hindi pa nagbibigay ng report sa DOH.
Dagdag pa ni Vergeire, nasa 158,176 ang sumailalim na sa COVID-19 test kung saan 90% ang nagnegatibo habang 10% ang positibo.
Pagdating ng May 30, target ng pamahalaan na maabot ang 30,000 test kada araw sa pamamagitan ng pagbubukas ng apat na mega swabbing centers.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong 26 COVID-19 testing centers habang 90 ang sumasailalim sa laboratory accreditation process.
Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 11,086 ang COVID-19 cases sa bansa, 1,999 ang gumaling habang 726 ang namatay.