DOH pinaalalahanan ang mga ospital na iprayoridad ang pasyenteng tinamaan ng dengue

Manila, Philippines – Umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa lahat ng mga hospital, lalo na ang mga pampublikong pagamutan, na isaprayoridad ang mga pasyenteng tinamaan ng dengue.

Ang apela ay ginawa ni Duque matapos mag-ikot sa San Lazaro Hospital at kanyang natuklasan na aabot sa 45 na pasyente ang naka-confine dahil sa dengue, 35 sa bilang ng mga pasyente ay mga bata.

Paliwanag ni Duque na maliban sa San Lazaro Hospital, dapat ay aktibo rin ang express lanes ng mga hospital kung saan maaaring dumiretso ang mga dengue patients.


Sa Metro Manila, umaabot aniya sa  8,191 ang bilang ng kaso ng dengue mula noong January 1 hanggang June 2019, pero mababa ito ng 13 percent kumpara sa naitala noong nakalipas na taon.

Habang sa lungsod ng Maynila naman, mula sa 1,087 cases na naitala noong 2018, bumaba na ito sa 856 na kaso ng dengue para sa unang anim na buwan ng 2019.

Aminado naman ang kalihim na maaaring ang Dengvaxia controversy ay nakaapekto sa pagdami ng bilang, dahil marami sa mga tao ay natakot na magpabakuna mula nang pumutok ang naturang isyu.

Facebook Comments