Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na hindi pa tapos ang problema sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, bagama’t nagsimula na ang paggulong ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, dapat pa ring mag-ingat ang publiko at huwag magpakampante dahil muling tumaas ang naitatalang kaso ng nasabing sakit.
Aniya, dapat ding mas paigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang pagbabantay sa kanilang mga residente upang tiyaking sumusunod ang mga ito sa ipinapatupad na minimum health protocols.
Kaugnay nito, inihayag ng Metro Manila Council (MMC) na magpapatupad sila ng mga bagong polisya gaya ng unified curfew hours at border control habang may posibilidad ding ibalik ng mga alkalde ang paggamit ng quarantine passes.
Samanatala, nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nananatiling one-seat-apart ang protocol sa mga pampublikong sasakyan gaya ng jeepney at bus.