Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mahigpit pa ring sundin ang minimum public health standards.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOH Director Doc. Beverly Ho na walang puwang ang pagpapabaya at pagkakampante lalo na’t may panibago nanamang variant ng COVID-19 ang na-detect.
Ani Dr. Ho, lahat tayo ay may responsibilidad para hindi tuluyang makapasok ang sinasabing mas mabagsik pa sa Delta variant na Omicron variant sa Pilipinas.
Sa panig ng pamahalaan ay nagpatupad na ng travel ban sa South Africa, Botswana at iba pang mga bansa kung saan may na-detect ng Omicron variant.
Payo pa nito na kahit pagod na tayo sa pagsusuot ng face mask at pagtalima sa iba pang health protocols ay dapat parin natin itong gawin hanggat hindi tuluyang nawawala ang COVID-19.
Importante rin aniya ang pagbabakuna bilang proteksyon sa virus.