DOH, pinaalalahanan ang publiko na bawal ilabas sa FOI portal ang resulta ng swab test

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na bawal ilabas ang swab test result sa Freedom of Information (FOI) portal ng ahensya.

Ang paalala ng DOH ay kasunod ng mga kahilingan ng publiko na ilabas ang resulta ng COVID-19 swab test sa pamamagitan ng online FOI portal ng gobyerno.

Sa pahayag DOH, hindi maaring ilabas sa nasabing portal ang mga resulta ng COVID-19 swab test dahil ito ay ipinagbabawal at labag sa Data Privacy Act.


Ang paglabas ng resulta ay mahigpit na ipinagbabawal dahil naglalaman ito ng mga personal na impormasyon ng pasyente at hindi para ipakalat sa publiko.

Sinabi pa ng DOH na ang testing centers na nagsagawa ng swabbing ang tamang opisina para tugunan ang kahilingang ito para na rin malaman ang anumang follow-up hinggil sa resulta ng swab test.

Facebook Comments