DOH, pinaalalahanan ang publiko na may iba pang gamot na maaring inumin sakaling maubos ang prophylaxis

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na may iba pang gamot na pwedeng inumin sakaling maubusan o hindi sapat ang prophylaxis para sa leptospirosis sa mga lugar na apektado ng pagbaha.

Ayon kay Health Usec. at Spokesperson Maria Rosario Vergeir, ang gamot na “doxycycline” ay maaring inumin kapag lumusong sa baha upang maiwasan ang sakit na leptospirosis.

Muling paalala ni Vergeire, agad na magtungo sa health facility o health centers ang ilang indibidwal na lumusong sa baha upang agad na mabigyan ng gamot.


Aniya, sakaling hindi available ang prophylaxis at doxycycline ay pwedeng uminom ng amoxicillin pero dapat ito ay prescribe ng doctor.

Sa ngayon, inihayag ni Vergeire na wala pa namang naitatalang kaso ng leptospirosis sa mga lugar na lubhang binaha dahil sa nagdaang bagyo.

Paliwanag ni Vergeire, may incubation period ang leptospirosis dahil pagkatapos ng isang linggo ay dito pa lamang umano makikita ang sintomas ng sakit.

Facebook Comments