DOH, pinaalis na ang COVID-19 testing sa mga umuuwing Pilipino na ‘fully vaccinated’ na

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagtatanggal ng COVID-19 testing requirement sa mga umuuwing Pilipino na ‘fully vaccinated’ na laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa ito pinal at bineberipika pa ng mga awtoridad ang vaccination status ng mga umuuwing Pilipino.

Batay sa revised guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang fully vaccinated incoming travelers at mga Pilipino galing sa abroad ay sasailalim na lamang sa pitong araw na quarantine at kakailanganin lamang ng COVID-19 testing kung makararanas ng sintomas.


Tiniyak naman ni Vergeire sa publiko na nagiging maingat ang gobyerno sa pagluluwag ng restriksyon para sa mga bakunadong indibidwal.

Facebook Comments