DOH, pinabubuksan sa mga ospital ang tigdas ‘fast lanes’

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Health (DOH) sa lahat ng mga ospital nito na magbukas ng fast lanes para sa pasyenteng may tigdas.

Ito ay matapos ihayag ng ahensya na posibleng umabot pa ng dalawa hanggang tatlong buwan bago makontrol ang sakit.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – tinatayang Abril o Mayo pa mako-kontrol ang pagkalat ng tigdas kung saan nasa 87 na namatay dito.


Aniya, “rising trend” pa rin ang tigdas kaya hindi pa ito maaaring ideklarang under control.

Sa datos ng DOH mula January 1 hanggang February 11, umabot na sa 5,635 na kasong tigdas na ang naitala.

Facebook Comments