Manila, Philippines – Inutusan ng Department of Health (DOH) ang Food and Drug Administration (FDA) na gumawa ng Executive Order (EO) patungkol sa mga nauusong e-cigarettes at vapes.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque – ang mga electronic nicotine at non-nicotine delivery system ay hindi sakop ng administrative order na inilabas noong taong 2014 dahil sa mga makabagong teknolohiya.
Sa ngayon, pinag-aaralan ito ng DOH at kalaunan ay makakagawa na ng draft Implementing Rules and Regulations (IRR).
Aasahan naman na kapag nagawa na ang draft IRR, maaaprubahan ito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan lamang.
Ngunit, ayon kay Department of Finance Secretary Sonny Dominguez – magkakaroon pa rin ng masusing pag-aaral na gagawin ng DOF at DOH dahil mas maraming teknolohiya ang nakapasok dito at patuloy itong magbabago.