DOH, pinabulaanan na may Brazil variant na sa bansa

Nilinaw ng Department of Health na wala pang Brazil variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH, ang mayroon sa bansa ay Brazilian lineage at hindi variant.

Ang variant of concern mula sa Brazil ay P.1 at wala pa anilang na-detect ang Philippine Genome Center ng variant na ito sa mga sample na kanilang sinuri.


Una rito iniulat ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na mayroon nang 1 kaso ng Brazil variant sa kanilang lungsod pero agad ding binawi ito.

Pero iginiit ng DOH na posibleng nagkaroon lamang ng misinterpretation sa lineage mula sa Brazil.

Facebook Comments