DOH, pinabulaanan na may “second wave” ng COVID infections sa bansa

Sa kabila ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na may “second wave” ng virus infections.

Nilinaw rin ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na napaghandaan na ng health at government officials ang posibilidad na pag-spike ng kaso ng virus.

Ayon pa kay Vergeire, maaari pa ring tumanggap ng mga pasyente na may COVID ang mga ospital.


Inabisuhan na rin aniya ng DOH ang local government na palawakin pa ang kanilang pagtugon sa pandemya, lalo na’t may banta ng variants.

Una na ring pinulong ng DOH ang hospital heads at maging ang kanilang regional directors lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso ng virus.

Facebook Comments