DOH, pinag-aaralan ang posibleng paggamit ng saliva-based COVID-19 testing

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng saliva-based COVID-19 testing sa Pilipinas kaysa ang pagkuha ng nasal sample.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinusuri na ng mga eksperto ang iba’t ibang karanasan ng mga bansa na gumagamit ng ganitong method at sa oras na mayroon na silang impormasyon ay ibabahagi nila ito sa publiko.

Aniya, hindi na bago ang saliva-based testing bilang method ng screening para sa COVID-19, gayunpaman mahirap itong gawin dahil may mga particles ng pagkain na nasa laway kaya kailangan pa ng maraming pag-aaral.


Maliban sa saliva-based testing, pinag-aaralan na rin ng DOH ang feasible pooled testing para mapataas ang testing capacity ng bansa.

Sa ilalim ng ganitong method, ang swab samples mula sa maraming indibidwal ay ilalagay sa isang single RT-PCR test at kapag mayroong positive result na bumalik, kailangang magsagawa ng individual assessments pero kung negatibo naman ang lumabas na resulta, hindi na kailangan ng individual testing.

Facebook Comments