DOH, pinag-aaralan na ang epekto ng bagong COVID-19 variant sa kabataan

Pinag-aaralan na rin ng Department of Health (DOH) ang posibleng epekto sa kabataan ng bagong variant ng Coronavirus Disease mula sa United Kingdom.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan na nila ang lahat ng pwedeng mangyari sakaling makapasok sa bansa ang bagong variant ng COVID-19.

Aniya, ang mga kabataan ay ikinokonsidera bilang vulnerable sector ng populasyon kaya kanila itong binabantayan.


Isa rin aniya ito sa dahilan kung bakit kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dry run ng face-to-face classes.

Bukod dito, nais rin nilang masiguro na wala masyadong maapektuhan oras na nakapasok ang bagong variant ng virus sa bansa.

Facebook Comments