Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may mga pag-aaral na isinasagawa para sa paggamit ng saliva o laway bilang alternatibong specimen sa COVID-19 testing.
Paliwanag ng DOH, sa ngayon ang nasopharyngeal swab ang rekomendadong paraan ng pagkuha ng specimen para sa pagsusuri sa COVID.
Anila, kailangan pa rin munang magkaroon ng local evidences ukol dito sa ating bansa kung epektibo nga ang laway sa pag-detect ng virus.
Oras na matapos ang pag-aaral, magkakaroon ng assessment dito ang COVID-19 laboratory expert panel at health technology assessment council para makabuo ang DOH ng polisiya sa paggamit ng saliva bilang alternatibong specimen sa COVID-19 testing.
Facebook Comments