DOH, pinag-aaralan na ang pediatric vaccination sa labas ng Metro Manila

Pinag-uusapan na ng Department of Health (DOH) at mga eksperto ang pagpapalawig ng pagbabakuna sa menor de edad sa mga lugar sa labas ng Metro Manila kontra COVID-19.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag nakitang maayos ang pagpapatupad ng bakunahan sa naturang age group sa Kalakhang Maynila ay idadala na rin nila ito sa labas nito.

Sa ngayon, nasa ika-2 bugso ang pagbabakuna ng mga batang 12 hanggang 17 anyos kung saan mga batang may health risk o comorbidity pa lang ang binabakunahan sa ngayon.


Tiwala ang DOH na kayang pagsabayan ang rollout ng pilot vaccination sa kabataan at ang kasalukuyang bakunahan.

Sa huling tala ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., nasa 7.9 milyon na ang fully vaccinated sa Metro Manila o katumbas ng 80.8 porsiyento ng target population.

Facebook Comments