DOH, pinag-aaralan na ang ulat ng Ateneo de Manila University na may 3 milyong unreported COVID-19 cases sa bansa

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang report na inilabas ng Ateneo de Manila University (ADMU) Department of Economics na mayroong tatlong milyong unreported Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 cases sa bansa mula buwan ng Abril hanggang Hunyo.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaring ibinase ang kanilang estimasyon sa case fatality rate.

Pero kung titignan aniya, kinumpara ng Ateneo ang kanilang datos sa iba’t ibang bansa tulad ng Singapore at Thailand.


Paliwanag ni Vergire, dapat alalahanin na ang pagkukumpara sa ibang bansa na may ibang uri ng system capacity at health system ay hindi angkop.

Sa kabila nito, tiniyak ng DOH na bukas pa rin sila sa ganitong uri ng forecast at estimation.

Facebook Comments