DOH, pinag-aaralan na kung kailangan ding magpatupad ng travel ban sa Malaysia at Thailand

Kasalukuyan pang pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) kung dapat na bang isama sa mga bansang may travel restrictions ang Malaysia at Thailand.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mahigpit nilang mino-monitor ang sitwasyon ng COVID-19 outbreak sa dalawang nabanggit na bansa.

Base sa mga report, mukhang hindi na mapigilan ang pagdami ng Delta variant cases sa Thailand.


Ayon pa sa kalihim, posibleng magbigay ng rekomendasyon ang DOH sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung mayroon mang madaragdag pa sa listahan ng mga bansang may travel ban.

Nabatid na kumalat na sa 98 mga bansa sa buong mundo ang Delta variant na unang na-detect sa India noong Disyembre 2020.

Facebook Comments